ANG KILAY

Ang kilay ay parte ng ating mukha ,ito rin ang nagsisilbing proteksiyon sa ating mata kapag tayo ay nasisilawan. Palatandaan din ito kung nagagalit tayo dahil kumukunot ito kapag galit na galit na tayo. May mga maninipis ang kilay meron ding makakapal. May mga babae na naaatrack kapag makakapal ang kilay ng mga lalaki.Yung mga ibang babae naman kapag makalat ang kanilang kilay binabawasan nila ito gamit ang puler,blade o may nilalagay silang wax para hindi makalat tignan.Karaniwan sa mga tao na bunutin ang kanilang mga kilay upang mapanatili ang malinis na pagkahugis o pagkurba nito.Sa ibang mga tao na maninipis ang kilay ginagamitan din ito ng Castor Oil upang kumapal ito.Bakit nga ba naglalagay ng pangkilay ang ibang tao o ang mga babae? ito ang mga iba't ibang kadahilanan kung bakit naglalagay ng pangkilay ang ibang tao o ang mga babae.
 Naglalagay ng pangkilay ang ibang tao o ang mga babae upang kaaya-aya tignan ang kanilang mukha at maganda sila tignan ng ibang tao na nakapaligid sa kanya at presentable tignan.
 Gumagamit ng pang kilay ang mg babae dahil isa ito sa mga kahiligan nila.
 para mas kaakit-akit din tignan ng mga lalaki ang ibang mga babae na nagkikilay.
 Ang pagkikilay ay nakasanayan na rin ng ibang tao,dahil nakakaganda raw ito at parte na rin ang pagkikilay sa pagmamake-up.
 Nagkikilay ang ibang tao upang hindi ito mukhang pagod at presko tignan lalo na't maganda ang pagkahugis o ang pagkurba nito.
 Nagkikilay ang mga babae o ang ibang tao sapagkat ito'y kinakailangan upang sa pagharap sa mga taong nakapaligid sayo ikaw ay pormal sapagkat ito ay sumasalamin at nag rerepresenta sa iyong pagkatao.
 Ang kadahilanan din ng mga ibang tao o ng mga babae kung bakit sila nagkikilay ay dahil maninipis ang kanilang kilay kaya naglalagay sila ng pangkilay na tinatawag itong eyebroe pencil o eyebrow liquid .
 Yung iba naman ay nagpapatatto na lamang ng kilay upang hindi na sila nag lalagay ng pangkilay sa araw-araw,upang mapanatili din ang hugis at ang kulay nito.
 Ang iba naman ay hindi makaalis ng bahay kung hindi sila nakalagay ng pangkilay o kahit nasa bahay lang naglalagay talaga ng pangkilay.
 Nagkikilay din ang mga ibang tao o ang mga babae dahil may sasalihan itong timpalak at kinakailangan itong mailagay sa mukha at mas magandahan ang mga judges.
 At para mas confident silang humarap sa ibang tao.
 Yung ibang nag tratrabaho naman sa mga mall ay kinakailangan talagang presentable at presko palagi ang kanilang mga mukha at para hindi pagod tignan.
Bakit yung ibang tao o ibang babae ay hindi naglalagay ng pangkilay?
 Mas kuntento sila kapag hindi nag lalagay ng pangkilay.
 Hindi sila sanay sa paglagay ng pangkilay o hindi nila gusto ang maglalagay ng pangkilay.
 Mas gusto nila yung normal lang na kilay.
 Yung iba naman pinapagalitan ng kanilang mga magulang na maglagay ng pangkilay.
 Komportable sila na hindi maglagay ng pangkilay.
 Ang ibang tao o ang ibang mga babae naman tinatamad mag lagay ng pangkilay.
 Sapat na sila sa kanilang kilay at hindi na kailangan maglay ng pangkilay.
Paano nga ba ang pagkurba o paghugis ng kilay at paano maglagay ng pangkilay?
 Bawasan ang kilay sa anong kurba ang iyong gusto,pagkatapos mong makurba ang iyong kilay gamitan mo ito ng eyebrow brush.Upang gumanda ang kalabasan ng pagkurba at upang  malinis ang iyong mukha pwede mo ito lagyan ng liquid foundation o tinatawag din itong bb cream ,pagkatapos lagyan mo na ng pangkilay ang iyong kilay ,may iba't ibang kulay ang pangkilay tulad ng itim,kayumanggi at iba pa. pwede ka rin maglagay ng concealer .Kung gusto mo rin lagyan ng lipstick ang iyong labi  pwedeng pwede.Maganda na ang kalabasan ng iyong mukha.Kagaya ng kinuha kung strand ay BNC o Beauty Nail Care ang pagkikilay ay parte ng paglilinis din ng mukha.Ang pagkikilay ay isang uri ng kahalagahan sa isang tao lalo na sa mga babae.Parte din ito sa paglagay ng kolorete sa iyong mukha,hindi rin kompleto ang ating mukha pag walang kilay. May kasabihan na rin ang mga tao ngayon na "KILAY IS LIFE" "KILAY GOALS".

Mga Komento